Sumagad ang salat sa isang pait na di maitutugma. Isang kalinangan sa damdamin na NAPIKOT at naparalisa.

Ilang agam agam ang iyong inipon. T I N U L I G S A, tinuligsa ka ng nababadyang kawalan kung saan nakita mo din ang hangganan.

Pinagdiinan ka ng dapithapon at ang liwanag ng gabi’y itinakas na rin palayo sayo.

Sa isang pagsasalarawan, hindi sapat and DIKTA at ang laban sa iniwan na ulirat.

Nayanig ang isang paraiso sa talas ng layon ng mga salita. Ginawad ng landas ang pandayang HINDI kailanman natutunan.

Ang wagas ay tumugma sa wakas. Nilambitin ang pag asa sa isang P A G S I L A W na nais maatim. Isang nakakasulasok na karimlan.

Nakita mo ba? Ang pinagkaiba ng inalipusta’t pinatahimik ng pilit upang di magalaw ang ganap mong pagpapasya?

Kahit ilang sugnay na makapag-iisa ang kanyang isulat sasabihin nya pa ‘rin sayo. Hindi ko ‘to kaya.

Tanaw niya ang pait, isang hagupit na ipinilit at isiniksik, kumapit ngunit mas lalong naipit.

Hinagkan nya ang himpapawid, tumanaw at kumintal sa kanya, ano ang iyong nasasa-isip?

Tandaan mo, ikaw ang lang lumaya, siya lang mismo  ang tumahimik at nagparaya para sa iyong bagong pag ibig na nais M A I-P U N L A.

Mahal na mahal ka n’ya. wika niya pa’y salamat dahil hinulma mo ang TAONG BASURA, mali, TAONG TANGA. Hinabol niya pa’t ibinigkas pasensya ka na kung puro ako problema, pangako huli na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s